30 OFWs galing China, nasa bansa na, taga-Capas, safe sa nCoV

Photo: Department of Foreign Affairs
Wala umanong dapat ikabahala ang mga residente ng Capas, Tarlac sa gitna ng operasyon ng quarantine facility sa lugar laban sa banta ng nCoV.
Tiniyak ito ni Interior Secretary Eduardo Año kasunod ng pagdating sa Pilipinas ng unang batch ng mga Pilipino na inilikas mula sa Wuhan City at dinala sa New Clark City (NCC).
Ani Año, pinaghandaan na rin ng gobyerno ang lahat ng protective measures upang makatiyak na hindi lalaganap ang coronavirus sa mga komunidad.
Bagamat, ikinukonsidera nila ang sentimyento ng lokal na pamahalaan, ipinaliwanag nitong nagdesisyon ang gobyerno na gamitin ang lugar bilang quarantine facility dahil sa pangangailangan at sa interes ng bansa.
Samantala, hindi bababa sa 30 Pinoy ang na-repatriate mula sa China. Una nang tinataya na nasa 50 Pilipino ang dadalhin ng special flight mula sa Wuhan, China ngunit, nasa 30 pa lang ang nakabalik.
Ipinalabas ni Año na ang mga normal ang kalusugan lamang ang papayagang makasakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas.





Comments