Rollback sa gas..
Gina Pleñago
Feb 9, 2020
1 min read

Nagpatupad ng pagtapyas sa presyo ng petrolyo ang Phoenix Petroleum, kahapon.
Epektibo alas-6:00 kahapon ng umaga ang P0.60 bawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P0.30 naman sa gasolina.
Inaasahang magsusunuran ang iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong presyo.
Kaugnay nito, ang bagong oil price rollback ay sanhi ng pagbaba sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.





Comments