Pinoy sa UAE, positibo sa nCoV
- Madel Moratillo
- Feb 9, 2020
- 1 min read

Kinumpirma ng pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) na nagpositibo ang isang Filipino sa nCoV.
Batay sa ulat ng Emirates News Agency, inianunsiyo ng UAE Ministry of Health and Prevention (MoHAP) na isang Chinese at Filipino ang dalawang bagong kaso ng coronavirus sa bansa.
Dahil dito, umabot na sa pito ang kabuuang bilang ng kaso ng nCoV sa UAE.
Ayon sa MoHAP, patuloy pa ring inoobserbahan ang dalawa at binibigyan ng kinakailangang atensiyong medikal.





Comments