top of page
Pokwang.jpg

Mga LGUs na tumangging i-quarantine ang mga biktima ng nCoV, traydor sa bayan, tanggalin!

Ka Ambo
Feb 9, 2020
2 min read

PUMAPALAG ang mga taga-Capas, Tarlac na gamitin ang lugar na ito para maging quarantine sa mga OFWs na uuwi mula Wuhan, China. Mga walang kuwentang lider ang namumuno sa kanila!

**** MARAMING sumaklolo sa Batangas noong pumutok ang Bulkang Taal. Marami na ring doktor at nurse na nagbuwis ng buhay para sa biktima ng epidemya. Ireng mga taga-Tarlac — dinidiskaril ang “makabayang pagsaklolo” sa mga kapwa mamamayan!

**** WALANG ulat sa ibang bansa na pinigil ang quarantine area. Namputsang mga taga-Tarlac, nabisto ang pagiging “makasarili”!

**** PAANO kaya kung matumbok ulit sila ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo at tanggihan silang saklolohan ng kapwa kalalawigan nila? Makikita rito na walang “pinagkatandaan” ang mga LGU executives. Dapat suspendihin o tanggalin sa puwesto ni P-Digong ang lahat ng lumagda sa Sangguniang Bayan resolution!

****

DAPAT maunawaan ng mga taga-Capas na walang sakit at malulusog ang mga manggagaling sa China. Ito ay dahil dumaan na sila sa quarantine sa naturang lalawigan!

****

NAIS lamang ng gobyerno na matiyak ang kaligtasan ng buong bansa. At tumatanggi ang mga taga-Capas na makatulong sa kapwa tao!

****

BOPOL ang LGU executives ng Capas sa pagpipilit ng zero probability. Walang ganyang termino kahit sa matematika!

****

ANG matematika ay naglalaan palagi ng percent of error. Palaging may ganyan. Walang “perfect” sa mundo!

****

MALINAW na engot at walang modo ang mga opisyal ng Capas. Ang dapat nilang hingin sa DOH ay kung ano ang contingency sakaling magkaroon ng “positive nCoV” sa mga dadalhin sa Capas!

****

HINDI pag-aari ng LGU executive ang kanilang teritoryo — ito ay pag-aari ng buong Republika ng Pilipinas. Ang plano na magreklamo sa Korte Suprema ay pambabastos sa umiiral na liderato sa Malacañang!

****

DAPAT tanggalin at sibakin sa puwesto ang mga walang pakundangang LGU executives na umeeksena at nagmamarunong kaugnay ng nCoV. Hindi sila nalalayo sa mga nagtraydor kay Heneral Gregorio del Pilar — wala silang pagmamahal sa bayan at wala ring pagmamalasakit sa humanidad!

****

HINDI nauunawaan ng mga ehekutibong ito kung ano ang kahulugan ng humanidad. Wala silang karapatan na maging lingkod-bayan. Dapat silang magbitiw sa puwesto o agarang sibakin sa kanilang katungkulan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page