top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Karapatan at responsibilidad ng miyembro ng labor union

Persida Acosta
Feb 9, 2020
2 min read

Ang ating Saligang-Batas ang nagbigay ng garantiya sa karapatan ng mga empleyado na magkaroon ng sariling organisasyon para mapangalagaan ang kanilang pansariling interes. Kaugnay nito, ang mga miyembro ng unyon ay may mga responsibilidad at kaakibat na karapatan.

Ang unyon ay itinatatag bilang instrumento para ang mga empleyado ay mabigyan ng boses sa kanilang mga pinaglilingkurang opisina o ahensiya. Sa ganitong klaseng organisasyon, ang kabuuang miyembro nito ang tunay na magpapatakbo nito at hindi ang mga opisyal na itinalaga ng kabuuang miyembro.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karapatang ipinagkakaloob ng batas sa mga miyembro ng labor organization (Article 241, Labor Code of the Philippines, renumbered as Article 250 as per DOLE Advisory No. 1, Series of 2015, {Renumbering of the Labor Code of the Philippines, As Amended}):

1. Karapatang hindi magbayad ng sobra o hindi makatwirang bayad para sa pagpapanimula ng lehitimong organisasyon ng manggagawa maging ang pagpataw ng labis at hindi makatwirang multa;

2. Ang mga miyembro ay may karapatang mahatiran ng buo at detalyadong ulat mula sa mga opisyal at kinatawan ng unyon sa lahat ng pinansiyal na transaksiyon na nakatala sa Konstitusyon at by-laws ng kanilang unyon;

3. Ang mga miyembro ay may karapatang pagbotohan ang pagpili ng kanilang mga lokal na opisyal at kinatawan maging ng mga opisyal sa pederasyon kung saan nakaanib ang kanilang lokal na unyon;

4. Ang mga miyembro ay binibigyan ng karapatan para tiyakin sa pamamagitan ng sikretong balota pagkatapos ng masusing deliberasyon, anumang tanong tungkol sa polisiya na makaaapekto sa kabuuan ng miyembro ng organisasyon, maliban na lamang kung ayon sa uri ng organisasyon o dahil sa hindi maiwasang dahilan ang sikretong balota ay hindi praktikal. Sa ganitong pagkakataon, ang nasabing polisiya ay pagpapasyahan ng Board of Directors ng nasabing organisasyon para sa pangkalahatang miyembro;

5. May karapatan ang bawat opisyal o miyembro ng organisasyon na inspeksiyunin ang libro ng organisasyon sa anumang oras na mayroon pang opisina;

6. Walang espesyal o hindi pangkaraniwang kabayaran ang maaaring ipataw sa miyembro ng organisasyon ng manggagawa maliban na lamang kung ito ay binigyan ng nakasulat na awtorisasyon ng mayorya ng kabuuang miyembro ng nasabing organisasyon na nagpulong para sa ganung kadahilanan.

Maliban sa iniuutos na mga aktibidad sa ilalim ng batas, walang espesyal na kabayaran, bayad sa abogado, bayad para sa negosasyon at iba pang hindi pangkaraniwang bayarin na ikakaltas mula sa anumang halaga na nakalaan para sa empleyado maliban na lamang kung mayroong indibidwal at nakasulat na awtorisasyong nilagdaan ng empleyado. Ang nasabing awtorisasyon ay dapat naglalaman ng espesipikong halaga, layunin at kung sino ang makikinabang sa kaltas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page