top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Buking na galing Macau.. 36 Chinese, naharang sa NAIA

  • June Simon
  • Feb 9, 2020
  • 1 min read

Muntik nang makalusot ang 36 Chinese tourists na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Phnom Phen, Cambodia sa Bureau of Immigration (BI) kung hindi agad nadiskubre na nagmula sila sa Macau na sakop ng travel ban.

Agad na pinagbawalang pumasok ng bansa ang 36 na dumating lulan ng Philippine Airlines nang mapag-alamang nanggaling sila sa Macau noong Pebrero 1.

Ayon kay BI Port Operation Division Chief Grifton Medina, nabuko ng BI officers na tour group mula sa Macau ang mga Chinese pero, umikot muna sila sa Cambodia sa buong akala na makakapasok sila sa bansa.

Sa ilalim ng travel ban, lahat ng foreigners ay hindi papayagang makapasok sa Pilipinas kung sa loob ng 14 na araw ay pumunta ang mga ito ng China, Macau at Hong Kong.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, muling nakiusap ito sa airlines at shipping na makipagtulungan sa implementasyon ng travel ban upang masawata ang pagpasok ng mga dayuhan mula sa bansang may nCoV.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page