top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

RMSC, puwede nang venue ng PBA, pro games atbp.

Gerard Arce
Feb 8, 2020
1 min read

Maaring tawaging panibagong tahanan ng pinakaunang professional basketball league ng bansa ang makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa hinaharap sakaling makasundo sa negosasyon ang ahensiya ng pampalakasan na ganapin dito ang ilang mga laro.

Nagsagawa ng ocular inspection ang tanggapan ng Philippine Basketball Association (PBA) upang siyasatin at pag-aralan ang bagong ayos na mga pasilidad sa loob ng RMSC. Natuwa ang mga miyembro ng PBA na sina Renato Chavez, Evihore Lopez at Neil Tibajares sa nakitang malaking pagbabago at kagandahan ng mga pasilidad ng RMSC.

Kabilang sa mga sinilip ng mga awtoridad ng professional league ay ang Multi-Purpose Arena (MPA) sa Philsports Complex sa Pasig City, Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Stadium na nasa loob ng RMSC sa Maynila. Noong 30th SEA Games ay nagawang ipaayos ang mga naturang pasilidad upang pagganapan ng mga laro na kinakitaan ng malaking kaayusan mula sa pagpapagawa ng mga air-condition at matatatag na mga upuan para sa mga manonood.

Ipinagmalaki ng venue manager ng RMSC na si Romy Teneza na kakayanin na ng naturang coliseum na makapagpapasok ng humigit-kumulang sa 8,000 manonood, depende sa pagkaka-ayos ng upo.

Ayon kay PSC Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy, maging ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ay nagpakita ng interes na ganapin ang mga laro nito sa pamamalakad ng ahensiya ng pampalakasan.

Inihayag ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na malugod nilang tatanggapin na maging host ang naturang pasilidad, ngunit mananatiling prayoridad para sa kanila ang pagpapagamit dito ng National Team. ”We are very positive about this. It would be nice to host them again in our arena,” wika ni Ramirez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page