PVF Athletics Beach Volleyball, abangan

Papagitna ang mga batang talento sa pagsabak sa Philippine Volleyball Federation (PVF)-Tanduay Athletics Beach Volleyball Under 18 Boys and Girls Championships bukas (Feb. 9) sa Tanduay Athletics Volleyball Center sa Taguig City.
Kumpirmadong lalahok ang mga koponan mula sa Pangasinan, Pampanga, Bataan, Laguna, Quezon, Bulacan, Muntinlupa at Metro-Manila sa libreng patorneo bilang bahagi ng grassroots sports development program ng PVF, sa pamumuno ni president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada.
Tulad sa mga nakalipas na torneo at programa ng PVF at pamilya Cantada, libre ang partisipasyon at naghihintay ang libreng pagkain at inumin sa lahat ng kalahok para sa buong maghapong palaro.
Pangangasiwaan ang torneo ng mga opisyal at lisensyadong referee at umpires ng PVF.





Comments