Nasunugan hiniritan ng P100-K para sa report at permit.. 3 bumbero, kulong sa kotong

Kalaboso ang tatlong kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos ma-entrap nang tangkain umanong huthutan ang isang nasunugang senior citizen sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasbas ang mga dinakip na sina SFO2 Benjamin Mabborang, Jr., 47, ng Bgy. Rizal, Makati City; FO1 Federico Sablay II, 28, ng Bgy. Tangos North at FO1 Kimberly Reyes, 29, ng Bgy. Dalamapang, Cabanatuan City, Nueva Ecija, pawang nakatalaga sa BFP-
Navotas.
Sa reklamo ni Jessie Que, 67, ng Bgy. Bahay Toro, Quezon City, humingi sa kanya si FO1 Sablay ng P100,000 kapalit ng Fire Incident Report at Recovery Permit para sa kanyang nasunog na garahe noong Pebrero 1, kaya humingi ng tulong ang biktima kay Col. Balasabas.
Inatasan ni Col. Balasabas sina P/SSgt. John Mikhail Garces, P/SSgt. Gerry Maliban at P/SSgt. Elmer Miguel, pawang nakatalaga sa Station Intelligence Branch na magkasa ng entrapment operation.
Nang tanggapin ni FO1 Sablay ang markadong salapi na P10,000 mula sa biktima sa Bgy. San Rafael Village, ala-1:30 ng hapon, agad itong inaresto ng mga pulis, kasama sina SFO2 Mabborang at FO1 Reyes.





Comments