top of page

Nanaginip ng mga patay na, dapat uminom ng tubig bago matulog dahil kapos sa oxygen

  • Socrates Magnus
  • Feb 8, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Mrs. Maria C. delos Reyes

Dear Professor, Ako ay senior citizen na madalas managinip ng mga patay, tulad ng mahal kong asawa na namatay noong August 7, 2012. Ang mama ko ay namatay noong May 1, 2009 at iba pang mga patay tulad ng dati kong mga kasama sa office. Kapag napananaginipan ko sila ay nagdarasal na lang ako para sa kanilang mga kaluluwa at isa pa, kapag natutulog ako ay palagi akong nakatalukbong, may takip ang aking mukha para hindi ako makagat ng mga lamok. Ano ang masasabi n’yo tungkol sa bagay na ito?

Sana ay mabigyan n’yo ako ng magandang kasagutan tungkol sa mga tanong ko sa inyo sa mga bagay na ito.

Naghihintay, Mrs. Maria C. delos Reyes

Sa iyo Mrs. Maria C. delos Reyes, Ang mga panaginip tungkol sa mga patay na ay nangyayari sa nanaginip kapag siya ay nakararanas ng lack of oxygen o kakulangan sa hangin na papunta sa utak. Medyo mahirap paniwalaan ang ganitong bagay, pero kung makapanonood ka ng mga best-selling movie na ang bida ay nasa itaas ng bundok, yelo o snow, makikita mo ang ilang senaryo na ang mga tao ay nakakita ng mga patay na mahal niya sa buhay na para bang siya ay pinagmumultuhan.

Ayon sa mga dalubhasa, ang ganitong pangyayari ay normal na nararanasan ng tao kapag siya ay nasa kalagayan o lugar na ang oxygen ay kulang o halos wala na. Ayon sa iyo ay natutulog ka nang nakatalukbong ang ulo, masasabing kinakapos ka ng oxygen papunta sa iyong utak. Dahil dito, ikaw ay pinapayuhan na baguhin mo na ang iyong nakaugalian tulad ng pagtatalukbong kapag natutulog.

Ipinapayo na bago ka matulog, uminom ka ng maraming tubig dahil ang oxygen ay nakukuha sa water intake. Gayundin, malambot ang gamitin mong unan dahil ang isa pang dahilan kung bakit nakapananaginip ng mga patay ay masyadong matagal sa iisang puwesto ang nanaginip kaya naiipit ang kanyang nerve papunta sa brain. Ang nerve ay daluyan ng dugo habang ang dugo naman ay may dalang oxygen.

Subukan mo ang nasabing mga payo at maaaring hindi mo na maranasan ang madalas na panaginip tungkol sa mga patay na. Gayunman, bilang pagtatapat sa iyo, ang matatanda, lalo na ang mga senior citizen ay normal lang na makapanaginip ng mga patay. Ito naman ay dahil ang muscles at balat ng matatanda ay hindi na tulad ng sa kabataan na maayos na maayos. Kapag ang muscles at balat ay manipis o malata na, ang oxygen ay hindi makadaloy nang maayos kaya sa gabi, kapag siya ay nakahiga at hindi na halos bumibiling, ang kanyang mga panaginip ay mas madalas na tungkol sa mga patay.

Kung iniisip mo ang madalas nating marinig kapag nakapanaginip ng patay na mahal sa buhay ay sinusundo na ng kanyang napanaginipan, huwag kang matakot dahil maraming tao ang matagal ang inabot ng buhay o hindi namatay nang siya ay nanaginip ng mga patay.

Isabuhay mo ang pagiging positibo dahil ang taong positibo ay pinaniniwalaang nakalanghap ng maraming oxygen na maiimbak sa lungs o baga kung saan kapag ang ilang bahagi ng kanyang katawan na kinapos sa oxygen ay maibibigay din ng baga kaya wala rin siyang oxygen problem.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page