top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kontra nCoV.. Sundo’t hatid sa airport, limitado

June Simon
Feb 8, 2020
1 min read

Lilimitahan na ang paghahatid at pagsundo sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng preventive measure ng Manila International Airport Authority (MIAA) upang maiwasan ang pagkalat ng nCoV.

Naging tradisyon na ng mga Filipino na halos buong pamilya o grupo ang nagtutungo sa NAIA para ihatid o sunduin ang kanilang mga mahal sa buhay na dumarating sa paliparan.

Umapela si MIAA General Manager Ed Monreal sa mga pamilya o mga kamag-anak at maging mga kaibigan ng mga pasahero ng airlines na huwag pasasamahin sa pagsusundo o paghahatid ng pasahero ang mga mahihina o madaling tamaan ng sakit tulad ng mga bata at matatanda.

Maging ang mga taong may pinagbabatayang medikal na kondisyon ay iwasang isama sa airport upang maprotektahan sa mga posibleng exposure.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page