Iwas-nCoV.. JS Prom, bawal
- V. Reyes
- Feb 8, 2020
- 1 min read

Hindi na matutuloy ang ilang malalaking aktibidad sa mga eskuwelahan sa Region 12 dahil sa banta ng nCoV.
Bilang pagtalima ito sa ipinalabas na Memorandum No. 15 ni Department of Education Secretary Leonor Briones, na nag-aabiso ng mga paraan upang maiwasang mahawa, makahawa at lumaganap ang nCoV.
Dahil dito, inihayag ng DepEd Region 12 na wala munang idaraos na Junior-Senior Prom sa mga eskuwelahan sa rehiyon. Karaniwan na idinaraos tuwing Pebrero ang nasabing pagtitipon.




Comments