top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dahil sa nCoV.. P10 bilyon lugi sa turismo ng ‘Pinas

V. Reyes
Feb 8, 2020
1 min read

Hindi bababa sa P10 bilyon ang ikinalugi na ng industriya ng turismo sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na pag-iral ng travel ban sa China dahil sa banta ng nCoV.

Ayon kay Cesar Cruz, presidente ng Philippine Tour Operators Association, nasa 50 porsiyento ng mga reservation sa Boracay, Bohol, Cebu at Palawan ang kinansela na.

Malaki aniya ang epekto sa kanila ng mga pagkansela ng biyahe ng mga turista lalo na’t kalagitnaan ng Chinese New Year.

Idinagdag pa ni Cruz na maaaring magpatuloy ang negatibong epekto sa turismo ng nCoV hanggang sa Agosto.

Nauna nang inihayag ng Department of Tourism (DOT) na kanilang tina-target na palakasin ang paghihikayat pa ng mga turista mula sa South Korea at Estados Unidos, na nangunguna at ikatlong pinakamalaking tourist market

ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nakikipag-ugnayan na sila sa mga hotel at airline company upang magbigay ng diskuwento at makahikayat pa ng mga bisita sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page