Carry over, 7 races sa Super Six sa NAIC
- Ding Taboy
- Feb 8, 2020
- 1 min read

Bibitawan ngayong hapon ang pitong karera kasabay ng Super Six carry over sa Santa Ana Leisure Park sa Naic, Cavite.
Kasabay nito aalagwa ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet at Pentafecta. Matutunghayan ang Condition Race, Condition Race Merged (10) at 3 Year Old Maiden Race.
Sa Race 1, panimula ng WTA ay magaganap ang Super Six carry over na P24,289.19 kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta. Pinapaboran ang couple entry na Palma Del Mallorca at Dikoridik Koridak, Love Affair, Princess Tin at Wafu the King.
Sa Race 2, umpisa ng Pick 6, ay maglalaban sa unahan ang mga kalahok na La Corona at Go Tango, may tsamba ang Heritage at Gray Yogurt.
Sa Race 3, simula ng Pick 5 sa Condition Race Merged (10) pinapaboran ang The Accountant habang makakalaban ang Runawayfromrosenot at isama ang Gintong Tubig at Trifecta at Disyembreasais sa quartet.
Sa Race 4 ng Pick 4, nakalalamang ang Wessfacckol, makakalaban ang Shalom isama ang Sunday Surprise at Smart Tyler sa Trifecta at Quartet.
Magandang laban ang masasaksihan ng Bayang Karerista sa tatlong mananakbo na maglalaban-laban ang One Fifteen, Couple entry na Sekretong Malupit at Red Sole at Prince Jhon.
Sa Race 6, nakalalamang ang Peter’s Pride, habang makakalaban ang Abakada at Cups in Raver. Samantala, magkakalaban ang Olympic Gold, My Priviledge at couple entry na Yona at Hard Work Classic at Apo Moon sa Race 7.





Comments