top of page
Pokwang.jpg

50 teams, babanat sa LGR Season League

MC
Feb 8, 2020
1 min read

Idaraos ang Season 8 ng LGR Hoops sa Peb 22 kung saan limang teams ang magsisikap na depensahan ang kanilang mga titulo sa iba’t ibang dibisyon kontra sa mahigit na 40 teams na sasabak sa kani-kanilang mga kategorya.

Ang Season 8 opening ay idaraos sa Gatorade Hoops Center kung saan ang PNB Savings Bank, Colmax Collagen, CW Green, TBD at Royal Manila ang dedepensa ng kanilang korona. Nagpasya ang PNB Savings Bank, ang team ng namayapang si coach Bong Tan na ituloy ang paglahok sa liga bilang pagrespeto sa yumaong businessman/sportsman na binawian ng buhay noong 2019. Ang Bankers ang reigning champions sa corporate division ng event.

Ang Royal Manila ang kampeon sa 5-foot-8 and below division habang ang TBD ang namayani sa Novice category. Dedepensa rin ng kanilang mga titulo ang CW Green (Neophyte) at Colmax Collagen (Icon).

Sa LGR Hoops unang naglaro ang celebrity ballers na sina Nyoy Volante at Boom Labrusca at iba pa. Maging ang mga dating collegiate at commercial league players ay naglalaro tuwing weekend sa recreational basketball league ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page