top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

4 na Cong., kumalas na sa partido ni P-Digong

Pabs Hernandez III
Feb 8, 2020
2 min read

ANG GALING NG SAGOT NI P-DUTERTE SA SHORTAGE NG FACE MASK —Nang tanungin ng mga mamamahayag si P-Duterte tungkol sa kakulangan ng supply ng face mask sa bansa, ang tugon ng pangulo ay kaya lang daw may shortage sa face mask ay dahil may virus outbreak, pero kung walang virus outbreak, tiyak na walang shortage sa face mask. Ganu’n? Ang galing sumagot ng pangulo, ‘life changing’ na, pang-Guinness World Records pa, boom!

****

MOCHA USON, BAKA MASAMPULAN NG NBI SA FAKE NEWS—Inatasan ni DOJ Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kaso at hulihin ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media tungkol sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV ARD).

Naku, dapat mag-ingat si Mocha Uson sa pagpo-post sa social media kasi baka fake news ang kanyang mai-post na may kaugnayan sa nCoV ARD at maging sanhi ito upang siya ang unang masampulan sa utos ni Sec. Guevarra, he-he-he!

****

APAT NA CONG., NILAYASAN ANG PARTIDO NI P-DUTERTE — Apat na kongresistang kapartido ni P-Duterte sa PDP-Laban na sina Deputy Speakers Neptali Gonzales II (Mandaluyong City) at Dan Fernandez (Laguna 1st); La Union 2nd District Rep. Sandra Eriguel at Cagayan De Oro 1st District Rep. Rolando Uy ang kumalas at lumipat sa partidong National Unity Party (NUP) na pinamumunuan ni dating DILG Sec. Ronnie Puno. Ano kaya ang nakikini-kinita ng apat na kongresistang ito at bigla silang kumalas sa partido ni P-Duterte? Abangan!

****

PANG-SURVEILLANCE NI HONASAN, P300 MILYON ANG HALAGA!—Inamin ni Sec. Gringo Honasan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na ang inilipat niyang P300 milyon na intelligence fund sa kanyang tanggapan ay gagamiting pang-surveillance na may kinalaman sa cyber security ng DICT.

Ganu’n, pang-surveillance lang, P300 milyon na ang halaga? Wow, ang bongga naman nila! Buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page