top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

MPBL: Pampanga, tiyak sa 4th slot; David, bumida sa Bataan Athletics

MC
Feb 7, 2020
2 min read

Lumakas sa sariling balwarte ang Pampanga habang buhay pa sa kontensiyon ang Cebu at nakapanorpresa naman ang Bataan noong Miyerkules ng gabi sa Chooks to Go MPBL Lakan Season na idinaos sa Bataan People’s Center sa Balanga City.

Tumingkad ang laro ng Pampanga Giant Lanterns sa 4th quarter at tinrangkuhan ang Pasig-Sta. Lucia Realtors, 71-62 upang idagdag ang ika-8 straight victory at masiguro ang No. 4 spot ng North division playoffs.

Hindi pinaiskor ng Cebu ang Parañaque-Yabo Sports sa huling 5 minuto at pagwagian ang laban , 79-70 upang manatili sa kontensiyon sa 8th at huling playoffs slot sa South Division.

Nakatiyak na sa playoffs berth, pinalakas ng Bataan Risers ang roster nang muling palaruin si resident gunner Gary David at nagwagi ang koponan sa 82-76 kontra Marikina Shoemasters.

Asintado pa rin sa shooting si David na naging tatak na niya bilang five-time PBA all-star, sa bisa ng 16 points kasama na ang four triples nang lumamang ang Risers sa 61-46 matapos ang tatlong quarters upang tapusin ang elimination round na may 20-10 record at ilaglag ang Bulacan (19-10) sa fifth spot ng North.

Nakatulong si Bryon Villarias sa 19 points at 8 assists habang si Gino Jumao-as ay may 10 points. Tumabla sa 49-49 matapos ang three quarters, may nabasket na 8 puntos para sa Pampanga si Levi Hernandez at tig-4 mula kina Michael Juico, Mark Cruz at Reil Cervantes upang talunin ang Realtors at isara ang elimination round hawak ang 21-9 slate.

Nakagawa si Juico ng 20 points at 6 rebounds, si Cervantes ay may 11 points at 6 rebounds, si Cruz ay may 8 points, 8 assists at 2 steals, habang si Hernandez ay may 8.

Umiskor lang si Larry Muyang ng 6, may 13 rebounds para sa Giant Lanterns, na dinomina ang boards (57-29) at malalagay sa homecourt advantage sa playoffs laban sa Bulacan Kuyas o sa Risers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page