top of page

Mga taong buryong, depressed at tuliro, delikado sa nCoV

  • Ka Ambo
  • Feb 7, 2020
  • 2 min read

Immune system ang pokus ngayon.

‘Yan ang tunay na pangontra sa alinmang virus!

◘◘◘

WALANG gastos ang pagpapalakas sa immune system.

Sapat na pahinga at tulog lamang ito!

◘◘◘

KAHIT ang pag-eehersisyo ay hindi rin magastos — magagawa mo ito kahit walang cash sa bulsa.

Puwede kang tumakbo o maglakad imbes na sumakay sa tricycle o dyip!

◘◘◘

SA loob ng bahay, puwedeng gawing ehersisyo ang paglilinis o paglampaso ng buong bahay.

Maglinis ng bakuran, magsibak ng kahoy o magtanim ng gulay!

◘◘◘

NAKAPAG-EXERCISE ka na, nakapagluto ka pa ng masusustansiyang gulay.

Ang gulay ang pagmumulan ng “natural vitamins”!

◘◘◘

ANG paglakas ng immune system ay nagsisimula sa tamang pahinga.

Ang pahinga ay hindi lamang sa pisikal na aktibidad!

◘◘◘

Ang utak o isip ay dapat na ipinapahinga rin.

Ang pinakaepektibong pagpapahinga ng isip at utak ay ang dasal at meditasyon!

◘◘◘

KAPAG nagme-meditate o nagdarasal tayo — kumakalma ang ating isip, puso at kaluluwa.

Ibig sabihin, ang dasal at meditasyon ay aktuwal na nakakapagpa-relax at aktuwal na pantanggal ng stress!

◘◘◘

ANG kawalan ng stress ay nagpapakalma sa pisikal, isip, kaluluwa at emosyon.

Ito ay magbubunsod ng malakas na immune system kontra sa alinmang virus!

◘◘◘

MATAPOS ang regular na pagdarasal at meditasyon — makasusumpong tayo hindi lang ng pagiging kalmada, bagkus ay makararamdam din tayo ng kakaibang kasiyahan na tila nakalutang sa alapaap.

Ang pambihirang kasiyahan ay pagkakaroon ng kaluwalhatian ng puso, isip at kaluluwa — ay tinatawag na “bliss” — ito ay pakiramdam na bihirang maranasan ng ordinaryong tao!

◘◘◘

MADALING atakehin ng virus ang mga taong buryong, depressed at tuliro.

Pero ang mga taong nasa gitna ng “bliss” ay malabong tablan ng anumang sakit!

◘◘◘

MATAPOS makaramdam ng pambihirang saya, kakalma ang isip, puso at kaluluwa.

Ang kondisyon, sitwasyong ito ay pinakaangkop para mag-analisa at mag-isip ng anumang solusyon sa mga nararanasang problema sa buhay!

◘◘◘

ANG mga gabay na binanggit natin sa itaas ay libre lang.

Hindi ito nahihingi sa kapwa tao — kaanak man o kaibigan.

Kahit nagsosolo ka, malalabanan mo ang virus, mareresolba mo ang problema at ikaw ay makararamdam ng ibayong kasiyahan na hindi mo pa nararanasan sa iyong buhay, kailanman!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page