Mga sugarol na pulis pati mga hepe na dedma sa ilegal na sugal, the end na!
- Pabs Hernandez III
- Feb 7, 2020
- 2 min read
TAPOS NA ANG MASASAYANG ARAW NG MGA SUGAROL NA PARAK — Pinagsanib-puwersa ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na pinamumunuan ni Col. Ronald Lee at PNP-Internal Affairs Service (IAS) na pinamumunuan ni Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, para dakpin ang mga pulis na nagsusugal sa mga casino at sabungan sa buong bansa.
Dahil sa direktibang ‘yan ni Gen. Gamboa, tapos na ang masasayang araw ng mga sugarol na parak sa bansa, period!
◘◘◘
MGA HEPE NA “NGANGA” SA ILLEGAL GAMBLING, SAPOL SA PNP-INTERNAL CLEANSING — Hindi lang ang mga sugarol na parak ang target ng kampanyang “internal cleansing” sa PNP ni Gen. Gamboa kundi pati ang mga hepe ng pulisya na “nganga” sa raket ng mga ilegalista sa kanilang mga nasasakupan.
At ang banta ng PNP chief, sibak sa direktiba niyang “one strike policy” ang mga chief of police na dedma sa illegal gambling operations sa kanilang jurisdiction, boom!
◘◘◘
MGA HEPE NG CALOOCAN, MALABON AT NAVOTAS, BAKA MA-“ONE STRIKE POLICY” DAHIL SA RAKET NI “JUN MORIONES” — Pinatunayan ni Gen. Gamboa na hindi biro ang kanyang “one strike policy” o pagsibak sa mga hepe ng pulisya na walang aksiyon sa mga illegal gambling, kasi nang makahuli ang tropa ni PNP-IMEG Chief Col. Lee ng limang illegal gambling dens sa Metro Manila ay pagkasibak sa puwesto ang inabot ng mga hindi pa pinangalanang limang chief of police.
Ang dapat gawin ngayon nina Caloocan City Police Chief Lt. Col. Noel Flores; Malabon City Police Chief Lt. Col. Jessie Tamayao at Navotas City Chief Lt. Col. Rolando Balasabas ay dakpin ang jueteng-STL-Pares operator na si “Jun Moriones” kasi kapag naunahan sila ni PNP-IMEG chief Col. Lee sa paghuli sa ilegalistang ito, tiyak na masisibak sila sa puwesto, abangan!
◘◘◘
PD NG CAVITE AT PD NG LAGUNA, DAPAT UMAKSIYON VS. JUETENG PARA HINDI TAMAAN NG “ONE STRIKE POLICY” NI GEN. GAMBOA — Sa kabila ng matinding kampanya ni Gen. Gamboa laban sa mga ilegalista, patuloy pa rin diumano ang pa-jueteng nina “Ariza” sa Cavite at “Haruta”, “Toce” at “Alvarez” sa Laguna.
Kung ayaw nina Cavite PNP Director Col. Danilo Santos at Laguna PNP Director Eleazar Matta na tamaan sila ng “one strike policy” ni Gen. Gamboa, sila na ang “mag-strike” sa raket ng mga ilegalistang ito sa kanilang mga jurisdiction, period!





Comments