Cañedo, kampeon sa World Pitmasters Cup 10-Cock Big Event

Sinolo ng RC Warriors entry ng Davao-based breeder na si Rey Cañedo ang kampeonato sa kauna-unahang World Pitmasters Cup 220k Pot 10-Cock Big Event.
Umiskor ng aggregate total na 7.5 points matapos ang 5-Cock elimination round at 5-cock Finals, tinalo ng RC Warriors ang 36 na iba pang protagonists para sa pinag-aagawang Big Event trophy at umani ng halos P7.4-M na kabuuang cash prize noong Peb. 4 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.
Samantala, patuloy ang aksiyon sa apat na semifinal rounds ng January 2020 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby. Ang 3-cock semifinal rounds ay idinaraos hanggang Peb. 8, kung saan ang 74 na walang talong entries na may 2 points, 30 entries na may 1.5 points at 158 entries na may 1 point na magiging mahigpit ang bakbakan para sa tsansang makapasok sa Grand Finals ng WPC sa Peb. 12.
Kailangan ng grand finalists ng 4 points makaraan ang semis para sa tsansa na maangkin ang hangad na January 2020 WPC trophy. Ang record-breaking na 376 entries ay lalahok sa January 2020 World Pitmasters Cup at ang kabuuang guaranteed prize na P30.08-M ay ipamamahagi sa winning entries.
Ang WPC ay co-presented ng Resorts World Manila katuwang ang Thunderbird at Experto Gamefowl Products. Ang cockfighting event ay sanctioned ng Games and Amusements Board.





Comments