After 5 yrs., sa dami ng pinagdaanan… Carla, game na game nang magpakasal kay Tom
- Mercy Lejarde
- Feb 7, 2020
- 1 min read

‘Niwey, ito namang si Carla Abellana ay handang-handa na raw magpakasal sa long-time bf niyang si Tom Rodriguez.
Sa presscon ng kanilang pinakabagong teleserye na Love of My Life, ibinahagi ng Kapuso actress na more than ready na siyang magpakasal kay Tom. Bukod daw sa nasa tamang edad na siya para bumuo ng pamilya ay marami na silang pinagdaanan ni Tom sa loob ng limang taon nilang relasyon.
Samantala, kinakiligan ng lahat ang kanilang balik-tambalan sa Love of My Life bilang sina Adelle (Carla) at Stefano (Tom), kasama rin ang beteranang aktres na si Ms. Coney Reyes at sina Rhian Ramos at Mikael Daez.
Excited ang mga viewers sa kakaibang kuwentong hatid ng naturang teleserye kung saan magtatagpo ang landas ng limang indibidwal na masusukat ang kayang gawin sa ngalan ng pag-ibig.





Comments