top of page
Pokwang.jpg

PSC, nakatuon sa NSA Grassroots; Wrestling at Trail Road Run sa TOPS

Gerard Arce / MC
Feb 6, 2020
2 min read

Sinisiguro at determinado ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) na maibigay ang buong suporta sa pagpapalawig ng grassroots sports programs ng mga National Sports Associations (NSAs) para sa taong kasalukuyan.

Tiniyak ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang pangakong pakikipagtulungan sa mga NSAs para palakasin pa ang nasabing programa matapos magkaroon ito ng ilang serye ng konsultasyon sa mga kinakailangang pondo para rito.

Pangunahing tinalakay ng ahensiya ng pampalakasan ang mga programa gaya ng Children’s Games at Batang Pinoy, na siyang nais bigyan ng pansin upang mas paunlarin pa ang sports programs ng bansa.

“We want to help NSAs in their own grassroots sports programs for the country. When they conduct a strong, and effective grassroots program, they help us carry out our mandate to make sports accessible to every Filipino, and to develop a strong citizenry, not to mention creating a deep pool from which Elite sports could cull their future stars,” wika ni Ramirez sa ginanap na budget hearings sa PSC Administrative Bldg. sa Malate, Manila.

Bilang pagtugon sa nasabing hakbang ay malugod na nagpasalamat si Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. (KPSFI) president Richard Lim sa ibinigay na tulong ng ahensiya sa pagsusulong ng kanilang pampalakasan sa bansa.

“Last year, we managed to conduct training and sports clinics across Luzon, Visayas and Mindanao from our own pockets. We thank the PSC for this new development in promoting our sports in the country,” wika ni Lim.

Nakatakda ring pag-usapan ang mga pagbabagong galaw sa mga International Federation (IF) at Philippine Olympic Committee (POC) accreditation ng bawat NSAs, gayundin ang mga athletes’ profiles sa mga darating na pagpupulong na pamumunuan ng mga bawat isang PSC Commissioner na nakatoka rito.

Samantala, pag-uusapan ngayon ang Wrestling Association of the Philippines 2020 Nationals at ang R&C Events Road and Trail Run event sa 54th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Ibabahagi ni WAP president Alvin Aguilar at mga piniling partisipante ang magiging kaganapan sa two-day wrestling competition na nakatakda sa Marso 7-8 sa Festival Mall sa Alabang.

Dadalo rin sa alas-10:00 ng umagang sesyon sina events officials Niel A. Parco, Raegina Atienza at Joanna Liu, na ilalahad ang paghataw ng R&C Events sa Atimonan, Quezon.

Iniimbitahan ng TOPS ang lahat ng mga opisyal at miyembro, maging ang mga kaibigan sa sports community, na dumalo sa weekly public service program na mapapanood ng live Facebook via Glitter Livestream.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page