Pasay nakalusot sa playoffs; San Juan at Batangas, wagi

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Tinalo ng Pasay Voyagers ang Mindoro Tamaraws, 84-72 noong Martes ng gabi upang makumpleto ang playoffs cast ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season North division sa Cuneta Astrodome.
Nagbagsak ng 13 straight points, lumamang ang Voyagers, 63-44 bago pumalaot sa ika-16 panalo kontra sa 11 talo, upang pagsarhan ng pinto ang Caloocan Supremos, na lumagpak naman sa 15-14 kasunod ng 88-111 na pagkatalo mula sa San Juan Knights sa opener.
Sa ginawang double digits nina Jaypee Belencion, Achie Inigo, Elmer Moradas, Raymund Ilagan at Jan Jamon, nakaalagwa ang Voyagers sa 38-18 at hindi na naungusan ng Tamaraws, na lagpak sa kartadang 9-19.
Sa record na 25-4 panalo talo, tiyak na ang Datu Cup champion San Juan sa top spot ng North kung saan ang Manila Stars (24-5) na lamang ang kayang pumatas sa Knights matapos ang single-round robin elimination round ng 31-team field.
Mangyayari ito kung ang San Juan ay tatalunin ng Mindoro sa Peb. 8 at ang panalo ng Manila kontra Zamboanga sa Peb. 10. Kung magaganap iyan, ang Manila ang magiging No. 1 dahil sa bisa ng 75-70 victory laban sa San Juan noong Nob. 29.
Nakabasket ang Go-for-Gold Knights ng 24 points mula kay John Wilson, kabilang na ang 6 triples, 17 points at 9 rebounds ni Michael Sayonayon, 16 points dagdag ang 9 rebounds mula kay Larry Rodriguez, 16 points plus 4 assists mula kay Renzo Subido, at 12 points plus 5 rebounds kay Orlan Wamar.
Ang iba pang qualifiers sa 16 teams sa North ay ang Makati (21-8), Pampanga (20-9), Bataan (19-9), Bulacan (19-10) at Pasig (18-11). Samantala, giniba ng Batangas City Athletics ang Bacolod Master’s Sardines, 63-54 upang umakyat sa 17-11 ang kartada at makakuha ng tiket sa South division playoffs.





Comments