Iwas-nCoV field trip, bawal — DepEd
- Mylene Alfonso
- Feb 6, 2020
- 1 min read

Ipinagbabawal na muna ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng mga field trip ng mga estudyante sa gitna ng banta ng nCoV.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inirekomenda ni Education Secretary Leonor Briones ang naturang panukala sa cabinet meeting.
Nangako umano si Briones na ginagawa na ng DepEd ang lahat ng hakbang para maprotektahan ang interes ng mga estudyante.




Comments