top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Fajardo, may leg injury malabong makapaglaro

  • MC / Alvin Olivar
  • Feb 6, 2020
  • 2 min read

Maraming malulungkot na fans ni June Mar Fajardo dahil dumanas ang San Miguel Beermen center ng ‘complete fracture on his right tibia’ sa isang team practice niya noong Peb. 3.

Agad siyang isinugod sa ospital, kung saan nasuri na muling nagbalik ang kanyang dating injury at agad siyang nilapatan ng lunas. Sumailalim siya sa matagumpay na operasyon noong Peb. 4 pero nakaiskedyul pa para sa isang post-operation rehabilitation upang makapagpagaling sa lalong madaling panahon.

Sa panahon ng kanyang rehabilitasyon, nanghihinayang ang kanyang team na hindi siya makalalaro sa Beermen sa nalalapit na Philippine Cup. Ikinalungkot din ni June Mar na hindi na muna siya makapaglalaro kahit sa iba pang international competition. “JuneMar, for his part, is also saddened that he may not be able to join any upcoming international competitions,” ayon sa SMB.

Tinitiyak naman ng San Miguel Beermen management na ibibigay nilang lahat ang pinakamabisang gamutan at pangangalaga para kay June Mar at pinasasalamatan ang fans sa mensahe ng malasakit para sa pag-asang makapagpagaling agad ang kanilang mahusay na sentro. “During this rehabilitation phase, the team regrets that he won’t be able to play for the San Miguel Beermen in the Philippine Cup,” ayon sa team kahapon.

Bagamat ang two-time World Cupper ay wala sa bagong listahan ng Gilas pool para sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers ngayong buwan maaring mapasama na si Fajardo sa second window sa Nobyembre.

Habang nagpapagaling si Fajardo, si Moala Tautuaa muna ang hahalili at dobleng trabaho ang gagawin niya para mapunan ang posisyon ng Cebuano center na may averaged na 18.7 points, 13 rebounds para sa All-Filipino tournament. Ang iba pang stalwarts ay sina veterans Chris Ross, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Marcio Lassiter na kailangan ding mangalabaw at mamahala sa rebounding. “We (are ready),” ayon sa Tweet ni point guard Ross.

Sasalang na kaagad ang Beermen sa season opener ng PBA sa Marso 1 at haharapin ang tigasing runner-up ng nakaraang two seasons, ang Magnolia Hotshots. Magpapakita sa opening night si Fajardo upang dumalo sa PBA Leo awards.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page