top of page
Pokwang.jpg

Boxmeer, pinapaboran: Certain to Win, subukan

Ding Taboy
Feb 6, 2020
2 min read

RENDA at LATIGO

Tatlong malaking pakarera ang bibitiwan sa susunod na Linggo, Peb.16 sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Yes! mga Igan, tatlong malaking pakarera ang bibitiwan kasabay ng pagdiriwang ng Mandaluyong Liberation Day Racing Fest 2020 na gaganapin sa nasabing karerahan sa bayan ng Malvar.

Unang magaganap ang Menchie A. Abalos Road to Triple Crown Trophy Race at maghaharap ang anim na mahuhusay na kabayo. Ang mga kalahok sa Abalos Road to Triple Crown trophy race sa pangunguna ng Heneral Kalentong ay ang Lucky Savings, Maysilo, Parokya ni Paolo, Radio Gaga at Westpointer na may nakalaang P750,000 na papremyo para sa unang apat na makararating sa finish line.

Bibitiwan din ang 1st District Councilor Sprint trophy race at maghaharap ang walong kabayo na kinabibilangan ng Certain to Win, Hidden Light, Mini Model, National Pride, Pinagtipunan, Señor Lucas, SonAlso Rises at Yalla.

May nakalaang P300,000 sa unang apat na makatatawid sa finish line. Susunod ang 2nd District Councilor trophy race na pangungunahan ng kalahok na Adobo Country, Cambari Island, Correct Ka Diyan, Francisca Fire, Peace of Mind, Space Jam, at Tumalog Falls na may papremyong P300,000 sa unang apat na unang makatatawid sa finish line.

Samantala, magaganap ngayong araw ang anim na karera sa San Lazaro Leisure Park(SLLP) sa Carmona, Cavite. Sa Race 1 magsisimula ang Pick 6 at pinapaboran ang Now and Forever, habang ang Artiko Uno ang makakalaban at isama ang Tango Eco Kieth.

Sa Race 2, simula ng Pick 5, ipinapatok ang Boxmeer, habang panegundo ang I love Jane at isama ang Turns Gold. Nakalalamang ang Magat Salamat, habang makakalaban ang Thunder Maxx, isama ang Et Al sa Pick 4 sa Race 3.

Sa Race 4, magkakalaban ang mga kalahok na Jean Genie at Kenkenrarabell at sa Race 5 magkakalaban ang Union Run, Raxa Bago at Easy Landing at ipinapatok ang Hot Fudge sa Race 6.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page