top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Abusadong online sellers ng face mask, kakasuhan!

Ryan B. Sison
Feb 6, 2020
2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Isang linggo mula nang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV ARD) sa bansa, pahirapan pa rin sa pagbili ng face masks.

Maraming nag-panic buying kaya pati mga supplier ay wala nang maibenta.

At dahil dito, maraming nagbabakasakaling makabili sa mga online seller.

Bagama’t, merong ibinebenta, doble o triple naman ang presyo nito kumpara sa regular na presyo.

Kaugnay nito, hihigpitan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbabantay laban sa mga online seller ng face mask.

Ito ay kasunod ng mga reklamo hinggil sa mga negosyante na nananamantala sa pamamagitan ng pagbebenta ng face masks sa mataas na presyo.

Ayon sa DTI, base sa mga natanggap na mga reklamo, mas mataas ang bentahan ng online sellers kumpara sa itinakda nilang presyo.

Gayundin, dapat umanong mabili ang face mask sa halagang P8 kada piraso.

Gayundin, tiniyak ng DTI na masasampahan ng kaukulang kaso ang mga maaarestong mapagsamantalang negosyante.

Hindi porke mataas ang demand ay kailangan nang magtaas ng presyo ng mga ibinebenta.

‘Ika nga, sa pagnenegosyo, kailangang win-win sa negosyante at kostumer. Kumbaga, walang lamangan.

‘Wag naman sana nating samantalahin ang sitwasyon at pangangailangan ng taumbayan.

Wala lang choice ang marami kaya kahit nanghihinayang bumili sa mas mataas na halaga, dedma na lang dahil kailangan talaga.

Pare-pareho lang nating gustong makaiwas sa sakit kaya sana, magtulungan tayo at ‘wag puro pera.

Paulit-ulit nang nangyayari ang ganitong pananamantala hindi lang ng mga online seller kundi pati ng ibang negosyante, kaya para sa mga kinauukulan, siguraduhin n’yong mananagot ang dapat managot.

Sa mga mapagsamantalang negosyante r’yan, bilang na ang mga araw n’yo!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page