top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Vitamins kesa face mask, mas epektib na panlaban sa nCoV

Ka Ambo
Feb 5, 2020
2 min read

Iginisa si Health Sec. Francisco Duque III sa Senado.

Walang mga puso!

◘◘◘

KAPAG may senador na tinamaan ng nCoV, masasagot ang kanilang mga katanungan.

Makikita rin nila ang kanilang hinahanap!

◘◘◘

SABIT agad si DICT Sec. Gringo Honasan. Saan daw inubos ang intel fund?

‘Yan ang tanong sa bopol!

◘◘◘

EXPONENTIAL ang pagdami ng nahahawa sa nCoV.

Natutulala si Chinese Pres. Xi Jinping!

◘◘◘

NAABSUWELTO si U.S. Pres. Donald Trump sa impeachment complaint.

Natulungan ng mga democrats ang second term campaign ni Trump!

◘◘◘

DALAWA ang tinamaan ng nCoV sa Pilipinas — isa ang patay. Ilang porsiyento ang mortality sa Pilipinas?

Opo, 50 porsiyento!

◘◘◘

DIRETSO lang ang panghuhuli sa mga tulak at pagkumpiska sa illegal drugs.

Dapat lang!

◘◘◘

INIREKOMENDA ni Gen. Guillermo Eleazar, dapat gamitin ang SAF laban sa illegal drugs.

‘Yan ay malaking tama!

◘◘◘

MALINAW na imbes na mapahina, lalong tumitindi ang epekto ng nCoV.

At gumagrabe pa nang todo!

◘◘◘

HINDI ipinapayo ang paggamit ng face mask.

Kumikita lang d’yan ang mga negosyante!

◘◘◘

IMBES na bumili ng face mask, dapat multi-vitamins at Vitamin C ang pakyawin.

Dapat bigyan ng gobyerno ang lahat ng senior citizens ng libreng vitamins — ‘yan ang tunay na depensa laban sa alinmang virus!

◘◘◘

DAPAT maghain sa lahat ng Malasakit Center ni Sen. Christopher “Bong” Go ng libreng pagkain sa mga matatanda, bata at may sakit ng masusustansiyang pagkain.

‘Yan ang epektibong pagtulong ngayong panahon ng krisis!

◘◘◘

HINDI kailangan ang gamot, ang kailangan ay hindi magkasakit ang mamamayan.

Masusustansiyang pagkain at bitamina ang dapat ipinamimigay ng Malasakit Center!

◘◘◘

MAKIKITA natin na lihis ang kultura, direksiyon at disposisyon ng mga awtoridad.

Hindi nila alam kung paano lalabanan ang virus!

◘◘◘

WALANG gamot sa alinmang virus.

Ito ay nilalabanan sa pagpapalakas ng immune system!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page