Tatum at Porzingis, bida sa Celtics at Mavericks
- MC
- Feb 5, 2020
- 2 min read

Umiskor si Jayson Tatum ng 15 sa kanyang team-high 28 points sa third quarter nang ganap na kontrolin ng bisitang Boston Celtics ang laro tungo sa 123-115 na pagwawagi laban sa Atlanta Hawks sa NBA game kahapon.
Bumakas si Tatum ng 10 for 20 sa bisa ng limang tres puntos at 7 rebounds. Isa siya sa tatlong Celtics na nakagawa ng dobleng pigura sa scoring, katuwang si Gordon Hayward na may 24 puntos at may 21 si Jaylen Brown. Dumagdag si Hayward ng 7 rebounds at 6 assists.
Trumangko ang Hawks ng 13 puntos sa second half kasunod ng 2 puntos ni Kevin Huerte para sa 103-101. Tumugon si Hayward ng back-to-back baskets kaya hindi na nakadikit ang Atlanta maski sa 3 puntos.
Samantala, nakapagtala si Kristaps Porzingis ng season highs na (38) at anim na 3-pointers (six) nang pumoste ang Dallas Mavericks ng 112-103 victory laban sa Indiana Pacers sa Indianapolis.
Dumagdag si Porzingis ng 12 rebounds at nakapagsalpak ng labindalawang free-throw attempts upang lampasan ang nakaraang season-high point na kabuuang 35, na unang ipanalo ang Dallas sa 128-121 kontra Houston noong Biyernes. Nabangko ang 24-year-old nang sumunod na gabi na panalo, 123-100 kontra Atlanta bago naging mabilis ang pag-iskor sa 11 puntos sa unang quarter.
Nakagawa si Tim Hardaway Jr. ng 25 points habang si Dorian Finney-Smith ay may 15 at 11 rebounds para sa Mavericks, na umibayo sa 17-7 nang gapiin ang Indiana sa ika-5 beses sa huling anim na laro.
Samantala sa iba pang laban, nagwagi ang Clippers sa Spurs, 108-105; nanalo ang Kings sa T’wolves 113-109; sinakmal ng Grizzlies ang Pistons, 96-82; nakaungos ang Heat vs. 76ers, 137-106; Celtics namayani sa Hawks, 123-115; Nets, malakas sa Suns, 119-97; Knicks pinahiya ang Cavs 139-134; Magic minahika ang Hornets, 112-100; Warriors panalo sa Wizards, 125-117.




Comments