Sa mga todo-sawsaw sa away nila ni KC… "Wala kayong alam!" — Sharon
Nitz Miralles / Bida


Photo: @reallysharoncuneta
Disabled ang comment box ng Instagram (IG) account ni Sharon Cuneta kung saan ipinost ng Megastar ang usapan nila ni Frankie Pangilinan. Nagpasalamat kasi si Sharon kay Frankie for “Being my happiness, joy. Source of comfort.”
Sumagot si Frankie ng… “MAMA MY GOODNESS NO NEED. I love you so much. I hope your heart is lighter. Thank you for everything you have ever done for us. I refuse to be a waste of the privilege you have blessed us with.”
Ang sagot ni Sharon kay Frankie ay, “That girl Kakie,” na para wala nang isyu sa mga netizens, ginawa na lang niyang “disabled” ang comment box. Ayun, walang makapag-comment, hindi sumakit ang ulo at puso ni Sharon dahil wala nang nababasang negatibong komento.
Naaakusahan kasi si Sharon na favorite si Frankie at hindi raw nito alam na nasasaktan si KC Concepcion sa napaka-obvious na pagpabor niya kay Frankie. Dahil din sa sunud-sunod na posts ni Sharon about family at respeto sa parents, naakusahan din siyang nagpaparinig kay KC, lalo na ‘yung appreciation post niya kay Angel Locsin kamakailan.
Sagot ni Sharon: “Nagpapasalamat ako sa isang taong gumawa ng mabuti sa akin, patama agad? Ang tinatamaan, guilty kahit hindi s’ya ang iniisip. Konting lawak ng pag-iisip naman.”
Dagdag pa niya, “Wala kayong alam sa mga nangyayari. Ano ito tampong ‘di matapos? Baka kaya mas malalim? Huwag na kasi makialam,” at “Hahahaha. Wala talaga kayong alam.”





Comments