top of page
Pokwang.jpg

Mark of Excellence mananalo sa MMTCI

Ding Taboy
Feb 5, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Balikatan ang magiging laban sa pagtikada ng ‘Additional One Win in Group Races’ na kapapalooban ng pitong karera sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), Malvar, Batangas ngayong araw.

Kasabay nito aalagwa ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet at Pentafecta.

Matutunghayan din ang Condition Race, Group Race at 3 Year Old Group Race. Sa Race 1, unang magaganap ang WTA na paglalabanan ng mga kalahok sa Condition Race (21) na paglalabanan ng mga kalahok na IloveHenry, Dangerous Willie, Lady Khaleesi, Rosario Princess, Hello Junior at A Certain Smile.

Sa Race 2, simula ang Pick 6 at paglalabanan ng mga kalahok na Jersy Saving, Fortune Island at Crown In My Head. Sa Race 3, umpisa ang Pick 5, nakalalamang ang Mark of Excellence at makakalaban ang Harapin Mo at Shoo-in.

Sa Race 4, simula ng Pick 4 nakalalamang ang Yes Music at makakalaban ang Wood Ridge at Sorsogon Bay. Ipinapatok ang Lucky Savings sa 3 Year Old Group Race (6-7) at makakalaban ang Westpointer at couple entry na Parokya ni Paolo at Radio Gaga sa Race 5.

Sa Race 6, sinisiguro ang Kusing habang makakalaban ang Light and Shade, isama ang couple entry na Daldalero at Suzie Cat sa Trifecta.

Sa Race 7, nakalalamang ang Gintong Lawin habang makakalaban ang Share Share, Noble Run at Jawo isama ang Johnny Be Good sa Quartet at Pentafecta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page