Malinao Xtreme, Road and Trail Run, abangan sa Atimonan

Masusubukan na muli ang tatag ng mga mananakbo sa isang mapanghamong ruta na nakalatag sa Atimonan, Quezon - ang Malinao Xtreme, Road and Trail Run kung saan pinamahalaan ito ng R&C Events Organizing Services na unang nag-organisa ng Camouflage Run 2019, GenRun 2019, Takbology101 at Dasma2Indang 25K.
Sa inisyatibo ni Race Director Mr. Niel A. Parco, may mga distansiyang 15-km, 10-km at 5-km ang Bitukang Manok, Herbal Pavilion at Pinagbanderahan Promotion ng lokal na turismo na maaring lahukan ng mga mahilig sa healthy lifestyle at makatulong sa benepisyaryo ng Our Lady of Lourdes Parish.
Sa panayam ng BULGAR kay Raegina Atienza Galera, managing director ng event na isang distance runner, nakatuwang siya ni Parco na isang triathlete ng Lucena Quezon TriClub (lumangoy sa dagat ng Quezon mula Alabat hanggang Atimonan) at ni Runaholic Joanna at Gerby Liu na pawang mga miyembro ng Lucena Triathlon Club upang pamunuan ang unang leg na ito event na may registration fee na P950 para sa 15-km plus trophy; 10-km- P750 +medal at sa 5-km ay P550 + bagtag na may event shirt, hydration cup na gawa sa coconut shell at post race meal. May special price sa mga estudyanteng kalahok, high school at elementary na P150 lang ang registration sa 5-km distance pero walang event shirt.





Comments