top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

LRT-2 balik sa normal na operasyon sa Hunyo

V. Reyes
Feb 5, 2020
1 min read

Asahan nang maibabalik sa katapusan ng Hunyo ng kasalukuyang taon ang normal na operasyon ng Light Rail Transit-2 (LRT-2).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), matatapos na ang pagkukumpuni ng nasirang power rectifier na nasunog kamakailan at naging dahilan upang hindi gumana ang biyahe sa mga istasyon mula Santolan hanggang Anonas.

Mas maaga umano ang target na petsa kumpara sa naunang inianunsiyo na aabutin ng siyam na buwan ang pagsasara ng Santolan-Anonas Stations.

Inihayag pa ng DOTr na nakabili na ang gobyerno ng kinakailangang equipment para maiayos ang nasirang linya at nangangailangan ng sapat na panahon upang tapusin ang pagkukumpuni.

Sa ngayon, nagsisimula na ang operasyon ng alas-5:00 ng madaling-araw mula Cubao Station, Quezon City hanggang C.M. Recto Avenue sa Maynila at pabalik.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page