Kaso ng nCoV sa ospital sa Marikina at East Ave., fake news
- Madel Moratillo
- Feb 5, 2020
- 1 min read

Itinanggi ng Marikina Valley Medical Center (MVMC) na may person under investigation (PUI) o kaso ng nCoV sa kanilang ospital.
Kasabay nito, umapela ang ospital sa kanilang mga kliyente na maging tapat sa kanilang medical at travel history.
Samantala, mariin ding pinabulaanan ng East Avenue Medical Center na may lockdown sa pagamutan dahil sa isang pasyente na may nCoV.
Tuluy-tuloy umano ang kanilang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga nasa outpatient department, ward at maging sa emergency. “Please be advised that there is no truth to the rumor that EAMC is on lockdown due to a coronavirus suspect patient. EAMC is continuously providing healthcare services to the public at the OPD, Ward and ER Departments,” pahayag mula sa Media Relations Committee ng EAMC.




Comments