Doktor, nurse, medical technicians etc.. Hazard pay sa lahat ng frontliners kontra nCoV

Hindi umano biro ang pagharap ng mga tauhan ng gobyerno sa problema ng nCoV, dahil nalalagay din sa alanganin ang kanilang kaligtasan mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.
Dahil dito, hinihimok ni House Committee on Civil Service and Professional Regulation Chairman Rep. Frederick Siao ang gobyerno na bigyan ng angkop na dagdag na hazard pay ang lahat ng mga itinuturing na frontliners sa nCoV.
Kabilang ang mga doktor, nurses, laboratory at medical technicians at field personnel ng DOH.
Sila aniya ang nagtatrabaho nang husto sa ngayon upang pigilan ang paglaganap ng Wuhan virus at naisasakripisyo ang sariling kaligtasan tuwing humaharap sa mga pasyente o sa posibleng mga carrier ng virus.
Ani Siao, limitado ang binibigyan ng hazard pay kaya makabubuting gawan na ngayon ng paraan ng Department of Budget and Management at ng Civil Service Commission na mabigyan ng tamang kompensasyon ang lahat ng frontliners ng gobyerno kontra nCoV.





Comments