top of page
Pokwang.jpg

Davao Occ, top seed ng South; Manila, humahabol sa North

MC
Feb 5, 2020
2 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Nalagay na sa top spot ang Davao Occidental ng South division habang ang Manila ay nanatiling nakatuntong sa No. 1 sa North kasunod ng mga panalo noong Lunes ng gabi sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season elimination round at Strike Gymnasium sa Bacoor City.

Sumandal ang Davao Tigers sa double-double na laro nina Mark Yee at Billy Robles nang gapiin ang Nueva Ecija Rice Vanguards, 86-79 at pumalaot sa silya ng 8-team playoffs simula sa Peb. 15.

Pumoste si Yee ng 16 points at 11 rebounds habang si Robles ay may 12 points at 10 rebounds para sa Cocolife-backed Tigers, nang sumampa sa 24-4 at nakadikit sa kartada ng Strikers (23-6).

Nakapuntos ang Manila Stars ng 19-points sa third quarter hanggang sa dulo upang gapiin ang Bacoor Strikers, 78-74, sa kanilang homecourt at habulin ang San Juan Knights sa pole position ng 16-team North division.

Pinamunuan ni Aris Dionisio ang Frontrow Stars sa 22 points at 6 rebounds, kasunod ni Carlo Lastimosa na may 17 at 5 habang si Christopher Bitoon ay may 11 points, 5 rebounds, 8 assists at 2 steals nang umangat sa 24-5 at dumikit sa 24-4 ng Knights.

Hindi nakalaro sa Strikers si MPBL Datu Cup MVP Gab Banal, dahil galing pa ito ng Dubai nang magkampeon ang kanyang team na Mighty Sports. Nagwagi naman ang Cebu laban sa Bataan Risers, 75-65.

Lamang sa 19 puntos, 70-51, naipatas ng Cebuanos ang 14-14 slate, hinahabol ang eighth at last playoff spot sa 15-team South division.

Kapatas ng Cebuanos na humahabol sa playoffs ay ang General Santos Warriors at ang Batangas City Athletics, na may 16-11. Naglaro kagabi ang MPBL sa Cuneta Astrodome kasagupa kung saan kalaban ng Batangas ang Bacolod ng 6:30 p.m. habang ang Mindoro at Pasay sa 8:30 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page