top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Capitalist partner, puwedeng magtayo ng ibang business ‘wag lang kalaban ng parehong negosyo ng magk

  • Persida Acosta
  • Feb 5, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta, Nagpasya kami ng mga kaibigan ko na magtayo ng partnership para sa isang car repair shop kaya naglaan ako ng kaunting pera para maging capitalist partner ng nasabing negosyo. Nang dumami ang mga kliyente ng aming car repair shop at nabawi ko na ang aking naipunlang investment, napag-isipan kong magtayo ng maliit na restoran. Subalit, hindi pumayag ang co-partners ko na magtayo ako ng sariling negosyo upang matutukan ko ang aming car repair shop. Maaari ba nila akong pagbawalang magtayo ng sariling restoran?- Robert

Dear Robert, Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Article 1808 ng New Civil Code kung saan nakasaad:

“Article 1808. The capitalist partners cannot engage for their own account in any operation which is of the kind of business in which the partnership is engaged, unless there is a stipulation to the contrary. Any capitalist partner violating this prohibition shall bring to the common funds any profits accruing to him from his transactions, and shall personally bear all the losses. (n)”

Ang capitalist partner ay hindi maaaring magtayo ng kanyang sariling negosyo na parehong uri ng negosyo ng partnership, maliban na lang kung may estipulasyon o kondisyon na nagsasabing maaari niya itong gawin.

Ang sinumang capitalist partner na hindi susunod sa nasabing batas ay magbabayad sa common funds ng partnership ng alinmang kita sa kanyang sariling negosyo at siyang mananagot para sa alinmang pagkalugi nito.

Sa inyong sitwasyon, maituturing na isa kayong capitalist partner sapagkat inilaan ninyo ang inyong salapi para sa inyong partnership. Ibig sabihin, maaari kayong magtayo ng inyong sariling restoran sapagkat hindi ito kasama sa parehong uri ng negosyo ng car repair shop na siya namang negosyo ng inyong partnership (Jurado, Civil Law Reviewer, 21st Ed., 2009 at 1048, citing Art. 1808, New Civil Code).

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito.

Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page