top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Buong mundo, damay sa pagbagsak ng China dahil sa nCoV

  • Bobi Tiglao
  • Feb 5, 2020
  • 2 min read

Nabisto na naman ang pagkakitid ng utak ng dilawan sa mga panawagan nilang paalisin sa Pilipinas ang lahat ng mga Chinese sa gitna ng pagkalat ng 2019 novel coronavirus (nCoV) na mula sa China.

Nakadidismaya ang mga engot na ito, hindi ba sila nakapag-iisip nang matino? Halatang-halata ang pagiging ‘racist’ nila at kawalan ng simpatiya sa ibang nasyon. Alam ba nilang humigit-kumulang 426 Chinese na ang namatay sa China at libu-libo na rin ang nagpositibo na hanggang ngayon ay patuloy pa ring ginagamot?

Sa totoo lang, walang sinuman ang gustong magkasakit sila. Tingin ba ng mga engot na ito, ginusto ng mga Chinese ang hindi magandang nangyayari sa kanilang bansa?

Isipin ninyo, dahil sa sakit na ito, napilitang i-lockdown ang mga apektadong lugar para hindi na makapanghawa. Napakalaking bagay ang ginawa ng gobyerno ng China sapagkat siguradong tatamaan nang husto ang kanilang ekonomiya kung saan pansamantalang mahihinto ang komersiyo at iba pang negosyo.

Isinakripisyo nila ito para mapangalagaan ang kalusugan ng nakararaming tao, hindi lamang sa China kundi sa buong mundo.

Kaugnay nito, dahil airborne ang nasabing sakit, hindi naiwasan ang pagkalat nito kung saan maging sa ibang bansa ay naitala na rin ang ilang kaso nito. Sa katunayan, maging ang Pilipinas ay napasok na rin nito.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), may dalawang kaso na nito sa bansa — at isa sa mga ito ang unang pasyente na namatay sa labas ng China.

Gayunman, huwag muna tayong magpa-panic. Makabubuti kung ingatan at alagaan natin ang ating kalusugan.

Ugaliin nating sundin ang mga abiso ng DOH at iba pang mapagkakatiwalaang ahensiya tungkol sa mga bagay na dapat nating gawin para maiwasan ang sakit na ito.

Huwag nating gayahin ang mga pasaway tulad ng ibang dilawan na tila nagdarasal na bumagsak ang China. FYI, kapag bumagsak ang bansang ito, hindi lang tayo ang babagsak dahil siguradong hihina ang ekonomiya ng maraming bansa sa buong mundo.

Konektado lahat ang mga bansa dahil sa globalization. Ang China ay isa sa mga importanteng partner sa negosyo at kalakal ng U.S. at iba pang mga bansa sa Europa, Africa at Asya.

Isa pa, sana, maisip ng mga nambu-bully d’yan na maraming OFWs ang nagtatrabaho sa China.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, “Naging mabait ang China sa atin. Dapat suklian din natin sila ng magandang-asal. Itigil na itong ‘sinophobia’ o ang galit laban sa mga Chinese.”

Walang kinalaman ang ‘ethnicity’ o lahi ng tao kung may nCoV siya o wala. Pero, kung makikita o mapapansin natin ang mga sinasabi ng dilawan tulad ng mga senador at “trolls” sa social media, tila pinalalabas nilang kapag Chinese, ‘matik agad na may dala itong nCoV kahit hindi naman galing o nagpunta sa Wuhan, China. Tsk!

Wala tayong karapatang mam-bully ng ibang nasyon lalo na kung puro lang tayo yabang at wala namang maipagmamalaki. Huwag nating ibaba o husgahan ang ating kapwa dahil lamang sa lahi nito.

Sa mga ganitong pagkakataon, kooperasyon ang kailangan ng bawat isa upang madali nating masolusyunan ang problema.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page