Bawas-singil sa kuryente ngayong Pebrero
- BRT
- Feb 5, 2020
- 1 min read

Posibleng bumaba ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Pebrero.
Hindi pa masabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga kung magkano ang magiging bawas-singil pero, hindi umano ito nalalayo sa P0.41 kada kilowatt hour na tinapyas sa singil noong nakaraang buwan.
Ayon kay Zaldarriaga, dahil ito sa mga power supply agreement na nakuha noong 2019 sa pamamagitan ng competitive selection process kung saan ang pinakamurang presyo ng supply ng kuryente ang pinipili ng isang third party committee.
Kasalukuyang nasa P9.45 kada kilowatt hour ang kabuuang power rate ng Meralco.





Comments