top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

‘Wag mag-panic sa nCoV.. Lilipas din ‘yan — P-Du30

Mylene Alfonso
Feb 5, 2020
1 min read

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na lilipas din ang isyu ng 2019 novel co­ronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Ayon sa Pangulo, tulad ng mga nagdaang mga ba­gong nadiskubreng sakit, unti-unti rin itong mawa­wala.

Inihalimbawa ng Punong Ehekutibo ang kaso ng SARS at HIV kung saan nag-panic din ang mga tao noong unang matuklasan ito.

Aniya, lalo na ngayon na mas progresibo na ang medical science kumpara noong nakaraang mga pa­nahon.

Kumpiyansa ang Pangulo na ito rin ang sa­sapitin ng nCoV na balang-araw ay magkakaroon din ng gamot.

Kasabay nito, iginiit ni P-Duterte na walang da­hilan para maging hysterical o mag-panic sa pagpasok ng nCoV sa bansa. Aniya, kailangan lamang magpa-check-up sa ospital ang taong pinaghihi­na­laang may naturang karam­daman.

Kaugnay nito, kaya nag­kakaubusan aniya ng supply ng face mask ay dahil sa hys­teria ng mga tao na kanila nang tinutugunan sa pama­magitan ng pagbili ng mas ma­raming face mask.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page