Training sa weightlifting, puspusan para sa Olympics

Buhos ang suportang ipinamamahagi ng Philippine Sports Commission (PSC) sa training at preparation ng pambansang koponan, lalo na ang weightlifting na umaasang makakukuha ng isa o mahigit pang silya sa 2020 Tokyo Olympics ngayong taon.
Nagpalabas na umano ng abot sa P2.2 milyong pondo ang ahensiya ng pampalakasan para sa airfare, accommodation, allowance at iba pang pangangailangan ng atletang pambansa, na bukod tangi rin ang ibinibigay na inspirasyon sa pagkakapanalo ng bansa sa tig-3 golds at bronze medal sa katatapos lamang na Roma 2020 Weightlifting World Cup sa Pala Pellicone, sa Rome Italy.
“This is an Olympic qualifying tournament for our national weightlifters. Walang dahilan para hindi natin sila bigyan ng full support,” wika ni PSC Chairman William Ramirez, na nagpadala ng 7 atleta at 4 na opisyales sa naturang kompetisyon.
Matagumpay na nakuha ni 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang 3 gintong medalya matapos nitong iaangat ang mga panalo sa snatch (93kgs), clean and jerk (119kgs) at ang kabuuang total na 212kgs para sa women’s under-55kgs division noong isang linggo. Isang malaking bagay din para sa tagumpay ni Diaz ay ang P1.7-M na suportang natanggap nito para sa koponan.





Comments