Pagiging iritable bago mag-mens, sintomas na kulang sa bitamina
- Shane Ludovice
- Feb 4, 2020
- 2 min read
Dear Doc. Shane, Kapag malapit na akong magkaroon ng menstruation, napapansin ko na parang nagbabagu-bago ang mood ko. ‘Yung tipong natatawa ako kahit corny ang joke at minsan ay mabilis akong mairita sa bagay man o sa mga taong nasa paligid ko. May time rin na nagke-crave ako sa pagkain, nakaka-feel na parang bloated ako at sumasakit din ang breast ko. Normal lang ba ang ganito? - Shane
Sagot Isang linggo o sampung araw bago dumating ang regla ng isang babae ay nakararanas ito ng tinatawag na premenstrual syndrome (PMS) kung saan sila ay nakararamdam ng sakit ng ulo, pananakit ng dibdib, depresyon, iritasyon, tensiyon, pakiramdam na parang may kabag at kaunting pamamanas, pagbabago sa ganang kumain, pagbabago sa libido, pananakit ng balakang at karaniwang natatapos kapag nariyan na ang mismong regla.

Ayon sa mga eksperto, ang sanhi nito ay hormonal changes o sobrang dami ng estrogen at kakulangan ng progesterone. May mga pag-aaral din na may kaugnayan ito sa kakulangan ng Vitamin B6, sobrang baba ng level ng asukal sa dugo, sobrang prolactin hormone at iba pa, subalit, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang sanhi nito. Hindi tiyak kung bakit may mga babaeng nakararanas ng PMS at ang iba ay hindi naman.
Makatutulong kung regular na mag-eehersisyo, iwasan ang maaalat na pagkain, kumonsumo ng pagkaing mayaman sa protina, maaaring uminom ng diuretics o pampaihi para alisin nito ang labis na asin at fluid sa katawan para maiwasan ang pakiramdam na busog. Okay lang ang mababang doses na diuretics. Kung may sakit na nararamdaman tulad sa ulo o balakang ay uminom ng analgesics para rito, maaaring uminom ng Vitamin B6, 200 mg araw-araw para maalis ang sintomas ng PMS.





Comments