Pader ng selda sinira.. 5 Preso nakapuga
- V. Reyes
- Feb 4, 2020
- 1 min read

Photo: Negros Oriental Provincial Police Office
Patuloy na tinutugis ng awtoridad ang limang bilanggo sa Manjuyod District Jail sa Negros Oriental makaraang makatakas, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Senior Jail Officer 1 Christopher Sarsuelo, ang mga pumugang preso na sina Janly Callao, 39, at Julan Paculanang, 30; Lito Pedro, 49, na mga detenido sa kasong rape; Ronnie Flores, 25, may kasong illegal possession of firearms at Joseph Casido, 24, may kasong murder.
Ayon kay Sarsuelo, alas-5:30 ng madaling-araw nang madiskubreng nakatakas ang limang preso matapos sirain ng mga ito ang pader ng kanilang selda.
Nagkaroon umano ng head count o pagbibilang ng mga bilanggo at doon na natuklasang nawawala ang lima sa mga ito. Nabatid naman mula kay Police Colonel Julian Entoma, na mayroon nang binuong tracker teams para muling maaresto ang mga pugante.





Comments