P1 bilyon dagdag-budget para sa nCoV

Ipupursige ni House Committee on Health Chairperson Rep. Angelina Tan na mabigyan ng P1 bilyong supplemental budget ang Department of Health (DOH) upang tugunan ang banta ng 2019 novel coronavirus.
Paliwanag ng kongresista, masasapat na ang nasabing halaga upang epektibong malabanan ang paglaganap ng nCoV sa mga komunidad sa bansa.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ni Tan mula sa DOH ang isusumiteng panukalang pagkakagastusan ng inihihirit na dagdag na badyet.
Nais din ng mambabatas na madagdagan ang bed capacity sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa mga nakahahawang sakit dahil aabot lamang ito sa limampu sa kasalukuyan.





Comments