top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Negosyante niratrat, patay

Maeng Santos
Feb 4, 2020
1 min read

Isang 51-anyos na negosyante ang namatay matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki at isang babae sa Malabon City, kamakalawa ng tanghali.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Francisco Lobenia, meat dealer, ng Bgy. Malinta, Valenzuela City.

Ayon kay Malabon Police Homicide Investigator P/CMSgt. Joselito Bagting, alas-12:00 ng tanghali, minamaneho ng biktima ang kanyang van galing sa Malabon Public Market, kasama ang mga kaanak at pauwi na nang harangin sila ng mga suspek sa kahabaan ng Yanga St., Bgy. Maysilo.

Sa pahayag ng mga kaanak ng biktima, niratrat ng mga suspek si Lobenia, kinuha ang bag na naglalaman ng hindi matukoy na halaga na pera bago nagsitakas.

Narekober ng rumespondeng tauhan ng SOCO ang siyam na basyo ng bala mula sa hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Ipinag-utos na ni Malabon Police Chief P.Col. Jessie Tamayao ang follow-up operation para sa pagkakaaresto sa mga suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page