nCoV, Krisis sa buong mundo ang dala
- Ka Ambo
- Feb 4, 2020
- 1 min read
Hindi mapigil ang epidemya ng nCoV.
Patuloy ito sa pagkalat pero wala pa ring lunas!
◘◘◘
SUMABAY na rin ang H1N1.
‘Yan na ang problema!
◘◘◘
AKTUWAL na ring namemeste ang African Swine Fever at bird flu.
Anubayannn?
◘◘◘
TULIRO na ang maraming bansa.
Hindi kasi nakikita ng radar ang mga kaaway!
◘◘◘
UMAAKTO nang spokesman ni P-Digong si Sen. Christopher “Bong” Go.
Magugulo ang Palasyo!
◘◘◘
NAKALIMUTAN ng mundo ang away ng U.S. at Iran.
Bigla ang magiging digmaan!
◘◘◘
SAAN pupunta ang mga turistang Chinese?
Sayang naman!
◘◘◘
IBINABALA ang pagbagsak ng world economy.
Nanangkupooo!
◘◘◘
BINUO na ang task force sa barangay kontra nCoV.
May mag-volunteer kaya?
◘◘◘
MALAYANG-MALAYA pa rin ang mga gambling lords.
Sino kaya ang kontak nila sa Malacañang?
◘◘◘
NABAWASAN na ang pumupunta sa mga malls.
Malulugi ang mga negosyo!
◘◘◘
MALAKI ang problema ng mga Chinese sa school.
Inaakala na lahat sila ay taga-Wuhan!
◘◘◘
HINDI malinaw kung paano makararaos ang buong daigdig sa krisis na nararanasan ngayon.
Delikadong maging grabe ito!





Comments