top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mambabatas, hinihingan ng tongpats ang mga sangkot sa anomalya para tigilan sa imbestigasyon

Jun R. Guillermo
Feb 4, 2020
1 min read

Nakatanggap tayo ng impormasyon mula sa ating A-1 source hinggil diumano sa isang mambabatas na ‘pag may naamoy na anomalya ay kanya raw itong pinaiimbestigahan.

“Anong meron d’yan?” ang paboritong linya ng mambabatas na trip na trip alamin kapag may nakarating sa kanyang anomalya. Gustung-gusto niyang gisahin ang mga “source persons” sa paiimbestigahan niyang kuwestiyunable o maanomalyang transaksiyon.

Ang nabuking na raket ng mambabatas, kapag walang nangyayari sa ginagawa nitong imbestigasyon at hindi na ito muling napag-uusapan dahil pinalalamig na lang ang isyu, kinokontak ang taong nasa ‘hot seat’ at inaareglo sa labas kapalit ng “pitsa” (read: tongpats) at kapag pumayag ay ititigil na niya ang imbestigasyon.

Ayon pa sa A-1 source, dahil sa modus ng mambabatas na likas na matalas ang pang-amoy sa mga maanomalyang transaksiyon ay hindi nakapagtatakang lalo pa itong yumayaman dahil sa pagkaganid.

Sa kagalang-galang na mambabatas na ito, Sir, hindi ka ba nahihiya na ang ipinakakain mo sa iyong pamilya ay galing sa maruming pera o “crying money” na baka pagdating ng panahon ay makarma ka?

Ibinoto ka ng taumbayan na nagtiwala sa iyo para gumawa ng batas sa ikabubuti nila at hindi sa pansariling interes na ginagawa mo ngayon! Pwe!

Ikaw kaibigan, ano’ng sey mo?

Palaging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page