Gamot sa HIV at trangkaso pinaghalo.. 2 nCoV victims gumaling
- BRT
- Feb 4, 2020
- 1 min read

Dalawang pasyente ng novel coronavirus sa Thailand ang nagamot gamit ang kombinasyon ng antiviral drugs.
Ayon sa Ministry of Health ng Thailand, sa isang ospital sa Bangkok, gumaling ang 71-anyos na pasyente na galing sa China na ginamitan nila ng kombinasyon ng mga gamot laban sa HIV antivirals lopinavir at ritonavir at flu drug na oseltamivir.
Gayunman, “severe” na inilarawan ng ospital ang kondisyon ng pasyente, pero nang gamitan ito ng naturang gamot ay bumuti ang kanyang pakiramdam sa loob ng 48 oras.
Kalaunan, nagnegatibo na ito sa nCoV matapos gawin ang panibagong pagsusuri sa kanyang respiratory system.
Dagdag pa ng Ministry of Health, isa pang pasyente sa Thailand ang gumaling din gamit ang parehong kombinasyon ng gamot.
Samantala, patuloy na sinusuri ng World Health Organization (WHO) ang umano’y natuklasang gamot na nakapagpagaling sa naturang mga pasyente.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, wala pang malinaw na batayan ang ulat at patuloy pa rin ang pag-aaral hinggil dito.





Comments