Yulo, President’s Awardee sa SMC-PSA Annual Awards

Photo: Espn5
Isa si Carlos Yulo sa nagbigay ng ‘di malilimutang karangalan sa bansa maipagmamalaking sandali sa Philippines sports noong nakaraang taong 2019.
Iniukit ng 19-anyos na si Yulo ang kanyang pangalan sa kasaysayan nang magwagi sya ng gold medal sa men’s floor exercise ng World Artistic Gymnastics Championships sa Stuttgart, Germany.
Si Yulo ang unang Filipino at unang lalaking gymnast mula Southeast Asia na nagwagi ng gold sa world stage.
Dahil sa panalo, nakamit din ng 4-foot-11 gymnast ang isang slot para sa 2020 Tokyo Olympics.
Bukod dito, isa rin siya na namuno sa Team Philippines na nagwagi ng overall title sa nakaraang 30th Southeast Asian Games pagkaraan ng 14 na taon kung saan humakot siya ng dalawang golds at limang silver medals.
Dahil sa muling pagpapaangat sa Philippine gymnastics at pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas, si Yulo ang napili upang tumanggap ng President’s Award sa darating na SMC-Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Hahanay si Yulo sa listahan ng mga personalidad na pinarangalan ng PSA ng kahalintulad na araw gaya nina Manny V. Pangilinan, ang multi-titled National University Lady Bulldogs team, billiards champion Rubilen Amit at Dennis Orcollo at slalom racing champ Milo Rivera.
“Yulo’s historic achievement will forever be etched in Philippine sports annals and one that will stand the test of time, making no other person deserving of the award,” ani PSA president Tito S. Talao.
Ang Team Philippines na nagwagi ng nakaraang SEA Games overall crown kung saan bahagi rin si Yulo ay gagawaran ng prestihiyosong Athlete of the Year award ng pinakamatandang media organization sa bansa sa gaganaping gala night.
Ang iba pang special awards na igagawad ay ang Executive of the Year, National Sports Association of the Year, Lifetime Achievement, Ms. Basketball, Mr. Volleyball, Ms. Golf, Mr. Football at Coach of the Year.





Comments