top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Taduran, tabla ang laban kontra Mexico

  • MC
  • Feb 3, 2020
  • 1 min read

Hindi naagaw kay Filipino boxer Pedro Taduran ang kanyang IBF minimum weight championship matapos talunin ang pambato ng Mexico na si Daniel Valladares.

Nagbakbakan na walang atrasan ang dalawa sa loob ng apat na rounds bago nagtamo ng sugat sa kanang mata ang Mexican boxer upang matapos kaagad ang labanan na idinaos sa Guadalupe, Mexico.

Ayon sa score cards, may ibinigay na 39-37 kay Valladares, 38-38, 38-38. Bagamat may majority decision draw ay napanatili pa rin ng 23-anyos na si Taduran ang kanyang titulo. Unang pagkakataon ito ni Taduran na ipagtanggol ang kanyang titulo na naangkin niya noong Setyembre 2019, nang talunin niya si Samuel Salva sa Taguig.

Aksidente pang nagkauntugan ang dalawa sanhi para magkasugat ang kanang kilay ni Valladares na siya namang tinarget nang suntok ni Taduran sa sumunod na tatlong rounds.

Nagpasya ang ringside doktor na ipatigil ang laban dahil sa lalim ng sugat ng Mexican at saka nagdesisyon na ang mga judges sa naturang laban. Ang record ngayon ni Valladares ay lagpak sa 22-1-1.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page